NAGPANTING ang tenga ni Commission on Human Rights (CHR) Commissioner Coco Quisumbing makaraang makarating sa kanya ang ulat ng panduduro umano nya sa mga kagawad ng media.
Sa panayam ng Radyo Mo Nationwide, nagulat pa itong si Commissioner Quisumbing nang malaman nya nanduro umano siya, sapagkat ang malinaw na sinabi lamang nya sa mga kagawad ng media ay makipag-cooperate ito sa kanila dahil sa dami umano ng kanyang ginagawa maging ng kanyang tinatanggap na TV at radio interviews ay hindi na nya malaman kung ano ang kanyang uunahin.
Dagdag pa nito na pinagsabihan lamang nya ang ilang mga kagawad ng media dahil nainis umano siya sa pagmamando ng mga ito kung saan sya uupo at pupwesto para sa kanyang interview.
Ngunit paglilinaw ulit ni Commissioner Quisumbing na wala syang dinuro ni isa man sa mga mamamahayag.