Friday, May 18th

Last update:05:31:09 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS National Panukalang pagdaragdag ng 2 taon sa Basic Education, kinontra ng militanteng grupo ng mga estudyante at guro

Panukalang pagdaragdag ng 2 taon sa Basic Education, kinontra ng militanteng grupo ng mga estudyante at guro

PINALAGAN ng militanteng grupo ng mga estudyante at guro ang panukalang karagdagang dalawang taon sa pag-aaral sa elementarya at high school.

Ayon sa League of Filipino Students, imbes na unahin ang panukalang 12-year basic education ay unahin na lang ng gobyerno ang paglalaan ng mga karagdagang classroom, libro at mga guro upang masolusyunan ang problema ng edukasyon sa ating bansa.

Sinabi naman ng Teachers Dignity Coalition na dapat ay isaalang-alang ang kinabukasan ng mga estudyante sa ganitong eksperimento dahil baka magmistulang trial-and-error ang naturang panukala.

Samantala, inaasahan namang ipe-presenta ni Education Secretary Armin Luistro ang naturang panukala kay Pangulong Noynoy Aquino sa darating na World Teacher’s Day sa ika-5 ng Oktubre.