Friday, May 18th

Last update:05:31:09 AM GMT

Headlines:
RSS
You are here: Home NEWS National

National

Dagdag umento sa mga manggagawa sa CALABARZON, matatanggap na rin

AM_LOGO_MANILANATANGGAP na ng mga manggagawa sa Region 4-A o CALABARZON ang kanilang dagdag sahod.

Ayon kay Labor Sec. Rosalinda Baldoz, base sa Circular 415 na naaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board, P255 lang ang arawang sahod ng mga manggagawa doon at P12.50 na Cost of Living Allowance (COLA) o kabuuang P349.50 kada araw.

Posible pa rin aniyang makatanggap ang mga manggagawa ng productivity incentive na katumbas ng 5.6% hanggang 10.9% sa kanilang basic pay base na rin sa kasunduan ng mga manggagawa at management.

Para naman sa mga manggagawang sumasahod ng mas mababa kaysa sa itinakdang minimum wage, makatatanggap ang mga ito ng P2.00 hanggang P90 kada araw na hahatiin sa loob ng limang taon para matamo ang P253 na dagdag sahod kada araw.

Search and Rescue Operation sa dalawang piloto, patuloy

AM_LOGO_MANILAPATULOY ang search and rescue operation ng mga otoridad sa dalawang piloto ng bumagsak na 2-seater plane ng Philippine Air Force sa karagatang sakop ng Mariveles, Bataan kaninang alas-10:30 ng umaga.

Sa ngayon ay hindi pa pinapangalanan ng Air Force ang dalawang piloto hangga't hindi pa naipagbibigay alam sa kanilang mga pamilya.

Ayon kay Air Force Spokesman Lt. Col Miguel Ocol, alas-6:30 ng umaga pa nag-take-off ang SF260 sa Stanley Point sa Cavite para sa isang proficiency flight sa Corregidor at Bataan ngunit nabahala sila ng hindi pa ito bumabalik bandang alas-8:00 ng umaga.

Namataan naman ang ilang bahagi ng bumagsak na eroplano malapit sa La Monja Island o may limang kilometro mula sa Corregidor Island.

 

 

 

Pilipinas, gagawing child labor free ng DOLE

DOLElogoTARGET ngayon ng Department of Labor and Employmnent na gawing Child Labor Free ng Pilipinas.

Base sa datos ng DOLE, tinatayang apat na milyong bata ang nasasadlak sa Child Labor at dalawang milyon dito ang nasa mapanganib na uri ng trabaho na siyang gustong solusyunan ng pamahalaan.

Sa month-long celebration ng Labor Day, inilunsad ng DOLE ang kampanya nitong palakasyin ang implementasyon ng Child Labor Prevention and Elimination Program at tuluyan nang maging child labor-free ang bansa.

Sa isinagawang programa sa occupational safety and health center sa Quezon City, nagkaroon ng simbolikong turn-over ng working tools mula sa mga child laborer kapalit ng school supplies, uniporme at scholarships mula sa pamahalaan.



Information campaign ng DAR, umarangkada na

DARlogoUMARANGKADA na ang information campaign ng Department of Agrarian Reform kaugnay sa pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita.

Personal na ipinaliwanag ng mga opisyal ng DAR Central Office at Region III sa tatlong barangay na sakop ng Hacienda ang prosesong gagawin para maging kwalipikado sa lupaing ipamamahagi.

Bukod sa mga babasahin, tatanggap ng number ticket ang mga magsasaka kung saan nakapaloob dito ang araw at lugar ng kanilang interview.


Ayon kay DAR Secretary Virgilio delos Reyes, ang gagawing interview ang unang hakbang para sa identification, screening at evaluation ng mga kwalipikadong benepisyaryo.

 

Court Holiday, isasagawa sa Martes kasabay ng pagharap ni CJ Corona sa Impeachment Trial

AM_LOGO_MANILAMAGSASAGAWA ang mga empleyado ng korte ng Court Holiday sa Martes, Mayo 22.

Ito ay kasabay ng nakatakdang pagharap sa witness stand ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa impeachment trial sa senado.

Ayon kay Supreme Court Employees Association President Jojo Guerrero, isang motorcade ang isasagawa nila sa martes bilang suporta sa punong mahistrado.

Ayon naman kay Atty. Tranquil Salvador, Spokesman ng kampo ni Corona, isa-isang sasagutin ni Corona ang mga ibinunyag ni Ombudsman Conchita Carpio Morales hinggil sa umanoy’ $12 milyon pera nito na nakalagak sa iba’t ibang bangko.

 

Page 1 of 3344

  • «
  •  Start 
  •  Prev 
  •  1 
  •  2 
  •  3 
  •  4 
  •  5 
  •  6 
  •  7 
  •  8 
  •  9 
  •  10 
  •  Next 
  •  End 
  • »