Friday, May 18th

Last update:05:31:09 AM GMT

Headlines:
RSS
You are here: Home NEWS Entertainment

Entertainment

Jessica Sanchez, pasok sa finals ng American Idol

Am_wrmn_new_yorkBreaking news!!!!!!

Pasok sa finals ng American Idol  ang Filipina-Mexican-American na si Jessica Sanchez.

Sa report ng WRMN New York sa pamamagitan ni Don Lino Celle, makakatunggali ni Jessica si Philip Philipps matapos ma-eliminate sa pamamagitan ng text voting ang black American na si Joshua Ledet.

Una nang inakala ng marami na si Ledet ang makakaharap ni Jessica sa finals ng AI sa susunod na lingo.

Kagabi ay lantaran ang pahayag ng isa sa mga Judges na si Steven Tyler na si Jessica ang mananalo sa AI season 11.

Sam Milby, balik-Pinas na

MATAPOS sumabak sa napakaraming auditions sa New York, balik-Pilipinas si Sam Milby ngayong Miyerkules para tapusin ang mga commitment dito.

Pero hindi raw dito natatapos ang kanyang pangarap na magkaroon ng career sa Amerika.

At sa kanyang muling pagbalik sa states kung sakali, tinitiyak niyang makakapasa na siya sa mga auditions.

Malaki rin ang pasasalamat ni Sam sa kanyang pagtira sa New York dahil nanumbalik aniya ang kanyang hilig sa musika at pagkanta.

Nangako naman si Sam na babalik siya sa New York para ipagpatuloy ang kanyang mga auditions para sa pilot TV casting season sa susunod na taon.

 

Robin at BB Gandang Hari, bati na

HOW true ang chika na nag-usap na ang magkapatid na sina Robin at Rustom Padilla AKA BB Gandang Hari.

Ito’y dahil sa pagkumbinsi ni Mariel sa asawang si Binoe na patawarin at tanggapin na ang katauhan ng kanyang kapatid.

Dagdag pa dito, sinama ni Binoe sa movie niyang Kuratong Baleleng si BB na isasali sa gaganapin na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2012.

Matatandaang naging very honest noon si Binoe na hindi niya tanggap ang pagbabagong-anyo ng kanyang kapatid na si Rustom kung saan kapag may get together ang pamilya ay hindi na lang sumisipot si BB para makaiwas sa gulo.

 

 

Labi ng ina ni Lani Mercado, ike-cremate na sa Miyerkules

NAKATAKDANG i-cremate sa Miyerkules, Mayo 16 ang labi ng ina ng aktres at Cavite 2nd District Representative na si Lani Mercado.

Nakalagak ngayon sa Heritage Park sa Taguig ang mga labi ni Ginang Justa G. Hernandez.

Si Ginang Hernandez ay binawian ang buhay kasabay ng Mother's Day sa edad na 87.

Samantala, humirit ng public apology  ang ina ng isa sa mga ground crew ng Cebu Pacific na minura daw ni Claudine Barretto sa NAIA Terminal 3.

Ayon kay Ginang Rosario Ilagan, ina ni Kristine Anne, hindi niya matanggap ang masakit na binitawan ng aktres kanyang anak.

Kasabay nito, pinayuhan ni  Aling Rosario si  Claudine na sana hindi na ito maulit dahil baka 'pag sa anak niya nangyari' yun, mas lalo siyang magalit.

 

Nikki Gil, malaki ang tiwala kay Billy

KINUMPIRMA ni Nikki Gil na patuloy ang kanilang communication ng boyfriend na si Billy Crawford matapos itong lumipad papuntang Paris noong April 30.

Nakatakdang i-pursue ni Billy ang kanyang singing career sa Paris kaya pansamantalang maiiwan niya ang girlfriend na si Nikki.

Say naman ni Nikki, malaki na ang tiwala nila sa isa’t isa kaya wala naman silang magiging problema.

Constant naman ang communication ng dalawa at araw-araw silang nagtatawagan.

Page 1 of 216

  • «
  •  Start 
  •  Prev 
  •  1 
  •  2 
  •  3 
  •  4 
  •  5 
  •  6 
  •  7 
  •  8 
  •  9 
  •  10 
  •  Next 
  •  End 
  • »