Friday, May 18th

Last update:05:31:09 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS Business Panibagong dagdag singil sa kuryente, nakaamba na

Panibagong dagdag singil sa kuryente, nakaamba na

NANGANGANIB na maipataw ang panibagong pagtaas ng singil sa kuryente.

Ito ay kaugnay ng pagtatangka ng Manila Electric Company (Meralco) na makolekta ang halos P18 billion na under-recoveries sa pamamagitan ng rate adjustment.

Ayon kay Ivanna dela Peña, Head ng Meralco Utility Economics, ang nabanggit na under-recovery ay naitala dahil sa pagkaantala sa implementasyon ng tinutukoy na rate adjustments.