SISIMULAN na ng Development Bank of the Philippines o dbp ang pangangalap ng bilyong halaga upang pondohan ang mga proyektong pang-imprastraktura ng Aquino administration.
Ayon kay newly-appointed President at Chief Executive ng DBP na si Francisco del Rosario Jr., sa ngayon ay wala pang eksaktong halaga kung magkano ang kanilang bubunuin, ngunit tiniyak nito na pangungunahan nila ang mga naturang proyekto.
Partikular na bibigyang pansin ang mga major project ng Department of Public Works and Highways, Department of Tourism, Department of Energy, Department of Education at Department of Health.