SA South Cotabato.
Mabilis na ang pagluwas ng mga produkto mula sa liblib na bayan ng General SK Pendatun patungo ng highway sa Buluan Maguindanao.
Kung noon ay umaabot ng mahigit isang oras, ngayon ay tatakbo na lamang ng 20 minuto ang tagal ng biyahe sa Buluan-Pandag-Paglat-GSK Pendatun Road.
Ang naturang proyekto ay naisakatuparan sa tulong ng binigay na pondo ng Amerika sa pamahalaang panlalawigan ng Maguindanao.
Ang naturang kalsada ay may habang 15.3 kilometro at isa na ngayong two-lane all-weather road.
Dahil dito, maliban sa mas madaling biyahe sa naturang ruta, mas madali na ring nakakarating ang mga produkto ng mga magsasaka at mga mangingisda mula sa mga liblib na komunidad malapit sa Liguasan Marsh palabas ng highway sa Buluan.