Thursday, Feb 23rd

Last update:07:26:13 PM GMT

Headlines:
RSS
You are here: Home NEWS

NEWS

Mines and Geo-Sciences Bureau, kumilos na sa mga bitak sa lupa

AM_LOGO_BACOLODBitak sa lupa pinag-aaralan na.

Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang Mines and Geosciences Bureau sa Region 6 kaugnay sa bitak o crack sa lupa sa bukirin ng bayan ng Isabela sa Negros Occidental.

Partikular na tinutukoy ay ang Brgy. Maytubig at Banog-banog sa Isabela kung saan may mga crack ang lupa doon.

Napag-alaman na ang Maytubig ay katabi at malapit lang sa Bayan ng Guihulngan sa Negros Oriental na tinamaan ng magnitude 6.9 na lindol.

Isinasagawa ang imbestigasyon sa harap ng pangambang magaganap na naman ang landslide sakaling patuloy ang pag-ulan at malagay sa peligro ang tatlumpong pamilya na nasa naturang lugar.

Tinitingnan na rin sa ngayon ng ahensya ang ilang lugar sa bayan ng Moises Padilla at La Castellana sa Negros Occidental na iniulat may mga nag-crack din sa lupa.

Armory ng PNP-12, nasunog

AM_LOGO_GEN_SANArmory Building ng Police Regional Office 12, nasunog pasado ala una kahapon ng hapon.

Ayon kay Police Senior Superintendent Robert Kenuisala, Deputy Regional Director for Operation, lumabas sa inisyal na imbestigasyon na electrical wiring ang sanhi ng sunog.

Sinabi ni Kenuisala na may nag-spark umano sa loob ng   Regional Public Safety Battalion Building o mas kilalang Armory Building, bago sumiklab ang sunog na nagkaroon pa ng mga pagsabog.

Di pa matukoy sa ngayon kung ilan ang kabuuang danyos sa sunog.

Maliban sa mga armas at bala, may mga motorsiklo din ang nasunog.

Ngayong araw, nakatakdang mag-imbestiga ang SOCO at Bureau of Fire Protection.

Samantala, nahirapan din ang Explosive and Ordnance Division matapos ang sunog dahil sa peligro ng posibleng magkaroon pa ng pagsabog sa mga nakaimbak na armas.

Paslit, patay sa rumagasang truck

PASLIT patay sa rumaragasang truck sa Capiz.

Ayon sa report, agad nasawi ang dalawang taong gulang na bata habang nasugatan din ang dalawang katao matapos araruhin ng truck ang dalawang bahay sa Brgy. San Esteban, Pilar.

Nabatid na lasing ang truck driver na si Eric Fariñas kung kaya’t nawalan ito ng kontrol sa pagmamaneho.

Binabantayan naman ngayon ng pulisya si Fariñas sa ospital dahil nasugatan din ito sa pangyayari.

30 mangingisdang nakulong sa Indonesia, nakauwi na ng bansa

30 mangingisdang nakulong sa Indonesia, nakauwi na ng General Santos.

Ayon kay Gensan City Councilor Ronnel Rivera, nakumpleto na ng mga naturang mangingisda ang kanilang sintensya kaugnay sa kasong iligal na pangingisda.

Naiproseso na rin kasi aniya ang kanilang mga dokumento sa tulong ng Indonesian consul general.

Samantala, may mahigit 1,000 pang mangingisda ang nakakulong sa indonesia kung saan ang ilan sa mga ito ay nakatakda ng umuwi sa susunod na buwan dahil nakumpleto na ang kanilang mga papeles. 

Media, hihigpitan sa arraignment ni CGMA

MEDIA, hihigpitan sa arraignment ni Cong. Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) Public Information Chief P/Supt. Danilo Pecaña, ito ay para na rin sa seguridad na ipapatupad sa Pasay RTC Branch 112.

Bukas na kasi ganapin ang arraignment ni dating pangulong Gloria Arroyo.

Nabatid na may inihanda ng lugar para sa mga media sa open ground sa labas ng Hall of Justice building.

Page 1 of 5313

  • «
  •  Start 
  •  Prev 
  •  1 
  •  2 
  •  3 
  •  4 
  •  5 
  •  6 
  •  7 
  •  8 
  •  9 
  •  10 
  •  Next 
  •  End 
  • »