Wednesday, Feb 08th

Last update:07:18:38 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS Regional 2011 budget ng Puerto Princesa City, pinaghahandaan na

2011 budget ng Puerto Princesa City, pinaghahandaan na

(RMN-Palawan) HINIHINTAY na ng City Budget Office ang isusumiteng executive budget ni Mayor Edward Hagedorn para sa taong 2011.

Ayon kay City Budget Officer Ruben Francisco, mauunang magpasa ang alkalde saka ito idudulog sa sangguniang panlungsod para sa pagapruba at saka didiretso sa Department of Budget and Management.

Wala pang idea kung mas mataas sa 2010 budget, ang isusumeteng proposal ng alkalde para sa susunod na taon, dati kasi ito ay nasa 1billion 650 million pesos.

Halos pumapantay umano sa IRA na natanggap ng lungsod na 1 billion 420 million.

Samantala, kung paano malalaman kung magkano na lang ang natitira ngayon, mahabang proseso ayon sa budget office.