(RMN-Cebu) MAGIGING abala ang liderato ng Cebu City Police Office sa susunod na mga araw dahil makikipagtagpo ito sa iba’t ibang sektor ng komunidad.
Naniniwala si CCPO Chief Melvin Ramon Buenafe na malaki ang maitutulong ng komunidad sa pagpapanatili sa peace and order sa lungsod ng Cebu.
Makikipagkita si Buenafe sa business sector, mga mag-aaral, magulang at guro, simbahan, civic organizations at maging sa media para ipaalam kung ano ang magiging papel at maturuan kung paanong mabigyan ng proteksiyon ang kanilang mga sarili laban sa krimen.