Wednesday, Feb 08th

Last update:07:18:38 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS Regional Small Town Lottery sa lalawigan ng Sorsogon, untouchable

Small Town Lottery sa lalawigan ng Sorsogon, untouchable

(RMN-Sorsogon) IDINEKLARANG illegal ng Sangguniang Panlalawigan ng Sorsogon ang Small Town Lottery (STL) sa hindi pagtalima sa required endorsement at authorization bago nito sinimulan ang kanilang operasyon sa lalawigan ng Sorsogon, bilang kautusan mula sa opisina ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa bisa ng Resolution No. 55-2010, na may petsang June 15, 2010 hiniling ng Provincial Board sa PCSO na suspendihin ang operasyon ng STL sa nabanggit lalawigan.

Napag-alaman na hawak umano ang prangkisa ng Oceana Gaming Corporation kung kaya’t patuloy pa rin ang naturang operasyon.

Ayon sa rekord ng Sorsogon Provincial Board, may isa pang resolusyon na humihiling sa PCSO at Philippine National Police (PNP) para sa agarang suspensyon ng STL operation base sa SP Resolution No. 5510, gayundin ang isang inquiry in aide of legislation sa hindi tamang pag-report ng kita at pag-remit ng operator nito.

Kasama sa hinihiling na pagdinig sa naturang isyu ang City at Municipal Treasurer’s Office ng Sorsogon City, Bulan at Irosin at walong iba pang mga munisipalidad kung saan laganap ang STL sa ngayon, para magbigay ng kani-kanilang mga opisyal na report at para matukoy ang sinasabing lehitimong operasyon umano ng STL.

Naniniwala ang Sorsogon Provincial Board na magsisilbi itong kongkretong basehan para sa mga susunod nilang hakbang.

Agarang aksyon naman para sa isyung ito ang inaasahan mula sa panig ni Director General Jesus Verzosa, PNP chief, na binigyan na ng kopya ng nabanggit na resolusyon.