Wednesday, Feb 08th

Last update:07:18:38 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS National Ex-lovers na male tv-host at pretty na female anchor, namataang magkasama sa Vietnam

Ex-lovers na male tv-host at pretty na female anchor, namataang magkasama sa Vietnam

How true ang tsika na magkasama raw sa Vietnam ang datinglovers na sina Edu Manzano at Pinky Webb?

Namataan raw kasing sabay na dumating sa NAIA terminal-2 ang dalawa matapos ang kanilang trip sa nasabing bansa.

Samantala, nanindigan ang dating Ms. Universe na si Gloria Diaz na walang masama sa kanyang mga pahayag na na-misinterpret ng mga Cebuano.

Hindi niya pakay na insultuhin ang mga Cebuano, may naging say kasi si Ms. Gloria na sa pagsali sa mga international beauty pageant ay kinakailangang may interpreter ang Pilipinas, dahil ang mga cebuana ay nahihirapan sa ingles.

So from there, naloka ang mga bisaya at parang minasama ang naging pahayag ni Diaz.

Say nito na ang ibig niyang sabihin ay karapatan ng sinuman na sumagot sa question and answer portion sa lenggwaheng komportable sila.

Dahil dito, hirit ni Ms. Gloria, hindi siya magpupunta sa Cebu maliban na lamang kung magso-sorry sa kanya ang mga naka-misinterpret sa kanyang mensahe.