PINAYAGAN nang maka-alis ng bansa ng mga otoridad ang isang HongKong police na una nang pinigil dahil sa pagbibitbit ng test slug sa NAIA terminal-1.
Sa panayam ng Radyo Mo Nationwide kay Col. Romeo Desiderio ng PNP Aviation Security Group, hinold nila si Lee Kwai Wa matapos madiskubre sa screening checkpoint ng paliparan ang mga dala nitong bala.
Sinabi pa ni Desiserio na agad din nilang pinakawalan ang isang kasama ni Wa habang ito naman ay sumailalim sa interogasyon upang maberipika ang mga dala nitong dokumento para sa mga test slug.
Nabatid na kaya pansamantalang pinigil ang nasabing HK Police ay dahil mali ang dalang Certification Nilinaw rin ni Desiderio na ang mga basyo ay hindi galing sa hostage bus.
Dala ito ng HongKong police na pinaputok lang sa baril na ginamit ni Mendoza.
Sa ngayon ay tapos na nilang ma-evaluate ang mga papeles ng nasabing HongKong police at binigyan na rin ng clearance ni DOJ Usec. Jose Vicente salazar na makabalik sa kanilang bansa.