Wednesday, Feb 08th

Last update:07:18:38 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS National Kotse, sumabog matapos sumalpok sa puno sa Batangas City, driver nito, natusta ng buhay

Kotse, sumabog matapos sumalpok sa puno sa Batangas City, driver nito, natusta ng buhay

HINIHINALANG nasunog sa loob ng sumabog na kotse ang isang babae matapos sumalpok sa puno at mahulog sa bangin sa Sitio Silangan, Brgy. Tulo, Batangas City.

Patay na nang marekober ang biktima na si Juvy Dote, 23-anyos, driver ng na-aksidenteng Mazda 3 na may plakang VDX-598.

Sinasabing nawalan ito ng kontrol sa manibela nang bumangga sa mga puno at poste ng kuryente hanggang bumulusok sa bangin at nagliyab.

Pinaniniwalaang na-trap ang biktima sa loob ng sasakyan nang mangyari ang trahedya.