Wednesday, Feb 08th

Last update:07:18:38 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS National Binatilyong Chinese national na nadamay sa madugong hostage drama, bumubuti na ang kalagayan

Binatilyong Chinese national na nadamay sa madugong hostage drama, bumubuti na ang kalagayan

BUMUBUTI na ang kalagayan ng disi-otso anyos na Chinese National na kabilang sa madugong hostage drama sa Quirino Grandstand.

Gayunman, ayon sa ulat ng South China Morning Post, si Jayson Leung Song-Xue ay kailangan pa ring masusing bantayan dahil sa mga bone fragments sa utak na nadurog.

Pero inihayag din nila na nai-alis na ang nakaharang ugat sa utak ng binatilyo kung saan bumalik na rin sa normal ang blood pressure nito makaraang sumailalim sa operasyon noong nakaraang linggo.