Wednesday, Feb 08th

Last update:07:18:38 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS National Cong. Pacquiao, matatanggap pa rin ang sweldo kahit pa nag-eensayo sa laban kay Margarito

Cong. Pacquiao, matatanggap pa rin ang sweldo kahit pa nag-eensayo sa laban kay Margarito

TINIYAK ni House Speaker Feliciano Belmonte na kahit absent sa kamara si Saranggani Congressman Manny Pacquiao ay makakatanggap pa rin ito ng sweldo.

Ayon kay Belmonte, para sa karangalan naman ng bansa ang isinasagawa ni Cong. Pacquiao. Ito’y alinsunod sa pag-eensayo ng nasabing congressman para sa boxing match kay Antonio Margarito .

Dagdag pa ni Belmonte, hindi naman makakasagabal sa kamara ang pagliban ni Pacquiao.