NAGPALIWANAG ang korte suprema hinggil sa naging hakbang ng Presidential Electoral Tribunal matapos ibasura nito ang hirit ni Vice President Jejomar Binay na ituloy na ang pagsasagawa ng preliminary hearing kaugnay nang reklamo ni dating Sen. Mar Roxas.
Sa panayam ng Radyo Mo Nationwide, nilinaw ni Supreme Court Justice Spokesman Jose Midas Marquez na ina-antay pa rin kasi ng PET ang ilang mahahalagang dokumento galing sa magkabilang panig.
Ngunit sa kabila nito, tiniyak ni Marquez na kapag nai-sumite na ang mga dokumentong kailangan ay magiging mabilis ang pagresolba sa nasabing protesta.
Una rito, nagpalabas ang Presidential Electoral Tribunal ng Temporary Protection Order o Pre-Cautionary order sa commission on elections na ingatan ang mga balota, ballot boxes, list of voters at voting record pati na ang iba pang paraphernalia na ginamit nitong nakalipas na halalan sa lebel ng pagka-bise presidente para sa nasabing imbestigasyon.