Wednesday, Feb 08th

Last update:07:18:38 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS National Travel ban laban sa RP, mananatili hangga’t hindi napapasakamay ng pamahalaan ng HK ang full report sa imbestigasyon sa hostage crisis

Travel ban laban sa RP, mananatili hangga’t hindi napapasakamay ng pamahalaan ng HK ang full report sa imbestigasyon sa hostage crisis

Mananatili ang Black Outbound Travel Alert laban sa Pilipinas hangga't hindi natatapos ang full report sa nangyaring madugong hostage drama.

Ayon kay Tourism Board Chairman James Tien Pei-Chun, ito ang iginiit ng pamahalaan ng Hong Kong ngayon sa pagsisimula ng trabaho ng Incident Investigation and Review Committee.

Aniya, ang ipinataw nilang travel ban laban sa Pilipinas ay mananatili hangga't hindi nila nakikita ang isusumiteng resulta ng imbestigasyon.

Samantala, nanawagan na rin ang dating Hong Kong Chief Secretary na si Anson Chan Fong On-Sang sa kanilang mga kababayan na wag idamay ang mga Overseas Filipino Workers sa Hong Kong sa nangyaring hostage crisis sa lungsod ng Maynila.