Wednesday, Feb 08th

Last update:07:18:38 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS National Pormal na imbestigasyon ng IIRC, aarangkada na

Pormal na imbestigasyon ng IIRC, aarangkada na

Sisimulan na bukas, Setyembre a-tres ang pormal na imbestigasyon ng Incident Investigation and Review Committee sa nangyaring hostage crisis noong Agosto bente tres.

Ayon kay IIRC head at Dept. of Justice Sec. Leila De Lima, ganap na alas nuwebe ng umaga bukas, sisimulan ang marathon hearing kung saan linggo lamang ang kanilang magiging pahinga.

Nakatakda namang ipatawag bukas sina Dept. of Interior and Local Government Undersecretary Rico Puno, Philippine National Police Chief Jesus Verzosa at ang mga negosyador sa pangunguna ni Police Supt. Orlando Yebra.

Kasabay nito, inihayag ni De Lima na nakatakdang tapusin ang imbestigasyon ng komite sa lunes upang agad na makapagpalabas ng committee report at maisumite sa Hong Kong authorities.