Wednesday, Feb 08th

Last update:07:18:38 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS National Gun ban para sa SK at Baranggay elections, ipapatupad na

Gun ban para sa SK at Baranggay elections, ipapatupad na

SISIMULAN na Setyembre bente singko ng Commission on Elections ang pagpatupad ng gun ban para sa Barangay at Sangguniang Kabataan election na magtatapos sa November a-diyes.

Kasabay nito, sinabi ni Bids and Awards Committee Chairman Atty. Ferdinand Rafanan na pag-uusapan sa pagpupulong ng mga staff ang lahat ng mga ka-kailanganin para sa mano-manong halalan sa oktubre bente singko.

Nabatid na kabilang sa tatalakayin ang bidding sa supply ng balota, kung sino ang magde-deliver ng mga ito, papel na kailangan sa pag-imprinta ng balota at ibang materyal sa paghahanda na gagawin sa nalalapit na halalan.

Sisimulan naman sa susunod na linggo ang bidding para sa mga ito kung saan nasa 3.2-billion pesos ang pondong nakalaan para sa Barangay at SK election.