Wednesday, Feb 08th

Last update:07:18:38 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS National Paggastos sa intelligence fund, tututukan ng senado

Paggastos sa intelligence fund, tututukan ng senado

BINUHAY ng senado ang isang oversight committee na siyang tututok kung papaano ginagastos ng mga ahensya ng pamahalaan ang mahigit isang bilyong pisong intelligence fund na karaniwang hindi dumadaan sa "regular auditing" ng Commission On Audit.

Layon ng Senate Select Oversight Committee na pamumunuan ni Senator Francis "Chiz" Escudero na ipagpatuloy ang oversight function ng senado sa paggamit at paggastos ng intelligence fund at confidential funds na una nang ipinagkaloob sa ibang ahensya ng pamahalaan.

Binigyang-diin ni Escudero na sa pamamagitan ng oversight committee ay magagawang imbestigahan ng senado kung nagagamit ng tama ang naturang pondo sa pagsugpo ng kriminalidad.

Nabatid na umaabot sa isa punto isang bilyong piso ang inilaan ng kongreso bilang intelligence fund ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa ilalim ng 2010 national budget.