Wednesday, Feb 08th

Last update:07:18:38 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS National P-Noy, nakipagpulong kay Sen. Mar Roxas kaya na-late sa courtesy call niya kay Ms. Universe 4th runner-up Venus Raj

P-Noy, nakipagpulong kay Sen. Mar Roxas kaya na-late sa courtesy call niya kay Ms. Universe 4th runner-up Venus Raj

INAMIN ng Malakanyang na nakipagpulong si dating Sen. Mar Roxas kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III noong Lunes na sinasabing dahilan kung bakit ito na-late sa courtesy call kay Ms. Universe 4th runner up Venus Raj.

Ayon kay Presidential Spokesman Atty. Edwin Lacierda, nagkataon lamang na present si Roxas sa event ng Metrobank Foundation kung kaya’t inimbitahan na rin ito sa meeting ng ilang miyembro ng gabinete.

Aniya, hindi nangialam si Roxas sa pulong at nakisama lamang ito sa mga opisyal ng Malakanyang.

Sinabi pa ni Lacierda na maging sa courtesy call ni Raj kay Pangulong Aquino ay dumalo rin si Roxas.