TINIYAK ng isang espesyalista mula sa Philippine Psychiatric Association na hindi lamang sa kalusugan ng isang tao nagiging banta ang depresyon kundi maging sa seguridad ng lipunan.
Ito ay kaugnay ng pangho-hostage ni Police Senior Inspector Rolando Mendoza sa 23 turista mula sa hong kong noong Agosto 23.
Ayon kay Dr. Isagani Gonzales, posibleng depressed si Mendoza kung kaya’t nagawa nitong gawing human shield ang naturang mga turista.
Aniya, mataas na ang bilang ng nakakaranas na matinding depresyon bunsod ng problema at mabilis na uri ng modernong pamumuhay na dinagdagan pa ng kahirapan ng buhay.