Wednesday, Feb 08th

Last update:07:18:38 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS National Ilang lugar sa Makati, nawalan ng supply ng kuryente matapos gumuho ang isang pader sa lugar

Ilang lugar sa Makati, nawalan ng supply ng kuryente matapos gumuho ang isang pader sa lugar

NAWALAN ng supply ng kuryente ang ilang bahagi ng Makati City makaraang gumuho ang isang pader na siyang tumama sa ilang poste ng elektrisidad sa lugar.

Pangunahing naapektuhan ang mga kabahayan sa palibot ng Washington Street sa lungsod dahil sa pagbagsak ng isang gusaling paupahan.

Wala namang napaulat na nasaktan o nasawi sa pangyayari bagama’t napipi naman ng bumagsak na poste ang dalawang nakaparadang sasakyan.

Ayon naman sa pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) posibleng abutin pa ng hanggang tanghali bago manumbalik ang kuryente at mapalitan ang natumbang poste na siyang pinagkakargahan ng power transformers sa lugar.