Wednesday, Feb 08th

Last update:07:18:38 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS National Tatlo katao, sugatan sa banggaan ng bus at truck sa Parañaque

Tatlo katao, sugatan sa banggaan ng bus at truck sa Parañaque

NASAKTAN ang mahigit tatlo katao makaraang masangkot sa banggaan ng isang pampasaherong bus at trailer truck sa skyway sa lungsod ng Parañaque.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nawalan ng kontrol ang truck at sumalpok sa bus ganap na 6:00 ng umaga kanina sa Southbound Exit ng Sucat Road.

Isinugod naman ang mga biktima sa Asian Hospital at Parañaque Doctors Hospital.

Nagresulta rin sa pagbigat sa daloy ng trapiko ang aksidente kung saan pinayuhan ng Skyway Corporation ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong kalsada.