NAKATAKDANG simulan ngayong buwan ng pamunuan ng Land Transportation Office (LTO) ang pagpapa-refund sa mga perang kinolekta nito para sa Radio Frequency Identification (RFID) Project ng ahensya.
Matatandaang nagsimula ang pangongolekta ng RFID noong mga huling buwan ng taong 2009 hanggang Enero ng taong kasalukuyan.
Nabulilyaso lamang ang proyekto sa bisa ng kautusan mula sa Korte Suprema makaraang maghain ng petisyon ang iba’t ibang militanteng sektor ng transportasyon kaugnay ng kuwestiyonableng paniningil.
Tinatayang umabot sa 30 million pesos ang nakolketa ng ahensya mula sa iniisyung RFID stickers sa halos siyamnapung Public Utility Vehicle (PUV) sa buong bansa.
Ang RFID ay isang uri ng teknolohiya na naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon sa mga PUV sa pamamagitan ng paggamit ng radio waves.