Wednesday, Feb 08th

Last update:07:18:38 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS National PHIVOLCS, nanawagan sa mahigpit na pagtutuok ng Batangas provincial government sa Bulkang Taal kasunod ng mga pagyanig na naitala

PHIVOLCS, nanawagan sa mahigpit na pagtutuok ng Batangas provincial government sa Bulkang Taal kasunod ng mga pagyanig na naitala

NANAWAGAN na ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Batangas Provincial Government at Provincial Disaster Coordinating Council (PDCC) na lalo pang bantayan ang Bulkang Taal sa Batangas.

Ito ay matapos makapagtala ng ilang volcanic earthquakes mula sa bulkan ang PHIVOLCS.

Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, sampung pagyanig ang kanilang naitala sa nakalipas na 24 oras.

Muli namang pinaalalahanan ng ahensya ang mga residente sa lugar at maging ang mga turista na huwag nang magtangkang makalapit sa layong 6 kilometer danger zone.

Sa ngayon nanatili pa ring nakataas ang alert level-1 sa paligid ng bulkan, na nangangahulugang bawal ang anumang uri ng aktibidades malapit sa bulkan.