Wednesday, Feb 08th

Last update:07:18:38 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS National PAGASA, kinumpirmang mahina ang tsansa na magiging ganap na bagyo ang panibagong namataang sama ng panahon sa bansa

PAGASA, kinumpirmang mahina ang tsansa na magiging ganap na bagyo ang panibagong namataang sama ng panahon sa bansa

KINUMPIRMA ni Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Weather Forecaster na si Joel Jesusa na mababa lamang tsansa maging ganap na bagyo ang panibagong namataang Low Pressure Area (LPA).

Kaugnay nito, nagbabala naman ang weather bureau sa publiko na maging maingat sa paglalayag sa karagatan at sa mga naninirahan sa matataas na lugar hinggil sa panganib ng land slides at flash floods.

Samantala, patuloy ring binabantayan ng weather bureau ang kilos ng isa pang tropical depression bagama’t hindi pa ito nakapasok sa Philippine Area of Responsibility.