Wednesday, Feb 08th

Last update:07:18:38 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS National Libreng bakuna laban sa AH1N1, hanggang ika-15 ng Setyembre na lang

Libreng bakuna laban sa AH1N1, hanggang ika-15 ng Setyembre na lang

MULING pinaalalahanan ng Department of Health ang publiko na hanggang September 15 na lamang ang libreng pagpapabakuna kontra sa AH1N1.

Kaugnay nito ay pinayuhan ni Dr. Eric Tayag ng DoH National Epidemiology Center ang taumbayan na dumalaw sa mga health center sa kanilang lugar para sa nasabing free vaccination.

Hinimok din ni Tayag ang health workers at mga nagdadalang-tao na samantalahin ang libreng bakuna na pinamimigay ng gobyerno.

Ang naturang paalala ay kasunod na rin ng patuloy na kampanya ng pamahalaan laban sa nasabing virus.

Ito ay matapos ideklara ng World Health Organization na ang AH1N1 ay nasa post pandemic period na kung saan itinuturing na lamang itong ordinaryong swine flu.

Matatandaang una nang inilagay sa pandemic alert ng WHO noong 2009 ang AH1N1 virus dahil sa mabilis na pagkalat nito sa ilang parte ng mundo.