Wednesday, Feb 08th

Last update:07:18:38 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS National Tumataas na bilang ng kaso ng dengue, mahigpit na minomonitor ng lokal na pamahalaan ng Quezon City

Tumataas na bilang ng kaso ng dengue, mahigpit na minomonitor ng lokal na pamahalaan ng Quezon City

MAKARAANG magdeklara ng dengue outbreak sa Brgy. Gulod lungsod Quezon mahigpit na minomonitor ng lokal ng pamahalaang lungsod ang mga lugar na tumataas ang bilang ng nakamamatay na sakit na dengue.

Ayon kay Dra. Antoniette Innumerable, ang head ng Quezon City Health Department batay sa kanilang talaan, 12 na ang naipaulat na nasawi habang 1881 naman ang naitalang kaso simula Enero hanggang Agosto 14.

Kabilang sa mga lugar na kanilang mahigpit na binabantayan ay ang mga Brgy San Bartolome, Bagbag, Kaligayahan, Nagkaisang Nayon, Sta Monica, Sauyo, Batasan Hills, North Fairview, Culiat, Talipapa at Novaliches.

Dagdag pa ni Innumerable na posible pang tumaas ang kaso ng dengue lalo pa’t nasa tinatawag na peak season ngayon ang sakit kasunod ng mga pag-ulan.

Muli namang paalala ng doktor na agad magtungo sa pagamutan sa unang sintomas pa lamang ng sakit.