Wednesday, Feb 08th

Last update:07:18:38 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS National Pagkakaroon ng accident data-base sa mga passenger insurance companies, isinusulong ng pamunuan ng LTFRB

Pagkakaroon ng accident data-base sa mga passenger insurance companies, isinusulong ng pamunuan ng LTFRB

ISINUSULONG ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagkakaroon ng computer accident database ng mga passenger insurance company.

Ito ay upang matulungan ang ahensya sa pagbabantay sa mga kumpanya ng mga pampublikong saskayan na makailang ulit nang nasangkot sa aksidente.

Ayon kay LTFRB Chairman Dante Lantin, layunin ng kanyang programa na madetermina sa mga ito kung sino lamang ang karapat-dapat na mabigyan ng franchise extension.

Dagdag pa ni Lantin, tatalima ang kanilang impormasyon alinsunod na rin sa mga aksidenteng iniuulat ng Land Transportation Office (LTO) at ng Philippine National Highway Patrol Group (PNP-HPG).

Umaasa ang ahensya na magsisilbi na itong panggising sa mga transport operators pagdating sa kanilang performance sa kalsada.