Wednesday, Feb 08th

Last update:07:18:38 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS National Kaso ng dengue sa bansa, pumalo na sa 62, 503

Kaso ng dengue sa bansa, pumalo na sa 62, 503

PUMALO na sa 62,503 ang naitatalang kaso ng dengue sa buong bansa kung saan 465 na sa mga biktima ang namatay.

Pahayag ni Health Secretary Enrique Ona na karamihan sa kaso ng dengue ay naitala sa Western Visayas, Calabarzon, Eastern Visayas, Central Mindanao, Southern at Northern Mindanao at Luzon.

Mababa naman aniya ang kasong naitala sa Metro Manila kumpara noong nakaraang taon kung saan karamihan sa mga kaso ay naitala sa Mandaluyong at Marikina City.

Siniguro naman ni Ona na lahat ng tulong ay ibinibigay sa mga nagkakasakit ng dengue.