PINABULAANAN ng dating jueteng whistle blower na si Sandra Cam ang pagdadawit sa kanya ni Masbate 1st District Representative Narciso Bravo sa madugong ambush na naganap sa bayan ng San Pascual sa Masbate.
Itinuturo kasi si Cam na siyang nag-request sa pag-relieve ng Regional Mobile Group ng munisipalidad ng San Pascual na dahilan kaya walang rumesponde ng maganap ang nasabing ambush.
Sa panayam ng Radyo Mo Nationwide, iginiit ni Cam na naroon nga siya sa San Pascual ng maganap ang nasabing insidente ngunit iyon ay para bisitahin ang nabili niyang rancho roon.
Matatandaang una ng itinuro ni Bravo ang kalaban niya sa pulitika at kaalyado naman ni Cam na si Antonio Co bilang responsable sa malupit na kamatayan ng limang biktima ng pamamaslang.