Wednesday, Feb 08th

Last update:07:18:38 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS National Antas ng tubig sa Angat Dam, mababa pa rin sa kabila ng mga pag-ulan

Antas ng tubig sa Angat Dam, mababa pa rin sa kabila ng mga pag-ulan

NANANATILI pa ring nasa mababang antas ang level ng tubig sa Angat Dam sa kabila ng mga pag-ulan nitong mga nakaraang araw.

Pahayag ni PAGASA-DOST Hydrologist Jun Paat na nasa 169.66 metro ang water level sa Angat Dam o mas mababa ng mahigit 13 metro kumpara sa normal water level nito na 183.5 metro.

Giit ni Paat, tinatayang dalawa hanggang tatlong bagyo pa ang kailangang dumaan sa bansa para maabot ang normal water level sa Angat Dam.