Wednesday, Feb 08th

Last update:07:18:38 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS Business PAL, apektado na ng Quirino Grandstand Hostage Crisis

PAL, apektado na ng Quirino Grandstand Hostage Crisis

Apektado ang mga biyahe ng Phil. Airlines nang naganap na Quirino Grandstand Hostage taking.

Ito’y matapos magkansela ng biyahe ang 500 pasahero makaraan ang insidente.

Ilan sa mga turistang ito ay mula Hong Kong, Beijing, Xiamen at iba pang parte ng China. Ayon kay PAL Vice-President for Mindanao Domingo Duerme, nagkakahalaga ng walumpung milyong dolyar ang nawala sa kumpanya bunsod ng hostage crisis.

Sa kabila nito, umaasa ang pamunuan na babalik rin sa normal ang daloy ng mga turistang bumibisita sa bansa.