BINIGYAN na ni Paolo Bediones ng ultimatum ang kanyang sarili.
Bago raw matapos ang taon, kailangan ay mabigyan na niya ng panahon ang sarili sa paghahanap ng babaeng mapapakasalan.
Dahil kung siya ang masusunod, gusto niyang mag-asawa sa edad na 40.
Sa kabila ng pagiging siksik-liglig ng kanyang career, wala naman daw siyang love at sex life.
Sa ngayon ay malabo raw itong mangyari dahil na rin sa santambak na trabaho niya.
Libangan na lang niya tuwing weekend ang tumutugtog ng piano sa isang bar sa Ortigas.
Doon daw niya ibinubuhos ang kakulangan niya sa lovelife at sex life.
At sa bawat pindot niya ay ibang satisfaction ang naibibigay sa kanya ng music.