BALAK na ngayon ni Hayden Kho na iwan ang Twitter na mistulang sinisisi nito sa kanilang break-up ni Dra. Vicki Belo.
Sinabi ni Hayden Kho na pinagsisihan na niya ang kanyang nalagay sa twitter kamakailan hinggil sa umano’y lalakeng nagpapadala ng love letter kay Belo.
Ayon kay Kho, galit lang siya noon at ikinalulungkot ang mga pangyayari.
Kasabay nito, nanindigan si Kho na walang ‘third party’ na sangkot sa kanilang paghihiwalay ni Dra. Belo.
Itinanggi nito ang relasyon kay Nancy Castiliogne bago ang break-up at inihayag ding hindi siya niloko ni Belo.
Una ng inamin ni Dra. Belo na hindi siya ok at pinipilit mag-move-on kasabay ng pag-aming malabo na ang pakikipag-ayos sa dating kasintahan.
Samantala, isusubasta ang mga damit at alahas na ginamit noon ng namayapang pop icon.
Ayon sa auction house na Julien's Auction, kabilang ang mga items mula sa musical career at movie appearances ni Whitney sa kanilang isusubasta sa Marso.
Gaya na lamang ng mga gamit nito na "black velvet dress with metallic silver ribbon" na may estimated asking price na $1,000-$2,000.
Kasama rin sa auction ang faux pearl drop earrings na ginamit ng aktres sa pelikula nitong “The Bodyguard.”