NAGPAHAYAG na si Luis Manzano ng kahandaan niya na lumagay na sa tahimik.
Hindi na rin naman daw siya bumabata dahil panahon na rin para mag-settledown at magkaroon ng sariling pamilya.
Naniniwala kasi si Luis na si Jennylyn Mercado na ang babaeng kanyang pakakasalan.
Kailangan daw ay magkaroon na rin ng bagong kabanata ang kanyang buhay at mangyayari lamang yun kapag mayroon na siyang sariling pamilya na matatawag.
Sa harap ng pagiging blooming ni ng career ni Luis, very thankful din siya dahil panay din ang dating sa kanya ng mga project.