Friday, May 18th

Last update:05:31:09 AM GMT

Headlines:
You are here: Home Entertainment Young actor, pinauwi ng nanay mula sa U.S.

Young actor, pinauwi ng nanay mula sa U.S.

PINAUWI ni Congresswoman Lani Mercado mula Amerika si Jolo Revilla.

Magpapagamot sana ito sa U.S. ng kanyang migraine pero dahil daw sa hindi magandang experience ay nagpasya si Mommy Lani na dito na lang sa Pilipinas magpagamot.

Mas maganda pa rin daw dito dahil naaasikaso agad.

Hindi kagaya doon na kahit emergency na ang situation ng pasyente, hindi agad naasikaso.

Samantala, speaking of pag-aasikaso, busy sa pag-aasikaso ng kanyang lovelife si Ai-Ai delas Alas.

Blooming na naman ang puso ni Ai-Ai dahil sa bagets nitong papa ngayon na nasa 28 years old lang.

Say sa tsika, distributor ng isang automobile manufacturer, ang boyfriend ngayon ng komedyana.