MALAPIT nang tumuntong si Aiza Seguerra sa line of 30’s kaya naman nagpahayag na ito ng kahandaan sa pagbubuntis.
Ito ay matapos tanungin si Aiza kung willing din ba silang mag-ampon ng baby ng ka-partner niyang si Chen.
Say ni Aiza, okay lang din naman sa kanila ang mag-ampon pero mas maganda siguro kung sa kaniya ito mismo manggagaling.
At nang tanungin ito kung kailan niya planong magbuntis ay pabiro itong sumagot na “Bukas siguro”.