Thursday, Feb 23rd

Last update:07:26:13 PM GMT

Headlines:
RSS
You are here: Home Entertainment

Entertainment

Paolo Bediones, nagbigay ng deadline sa pag-aasawa

BINIGYAN na ni Paolo Bediones ng ultimatum ang kanyang sarili.

Bago raw matapos ang taon, kailangan ay mabigyan na niya ng  panahon ang sarili sa paghahanap ng babaeng mapapakasalan.

Dahil kung siya ang masusunod, gusto niyang mag-asawa sa edad na 40.

Sa kabila ng pagiging siksik-liglig ng kanyang career, wala naman daw siyang love at sex life.

Sa ngayon ay malabo raw itong mangyari dahil na rin sa santambak na trabaho niya.

Libangan na lang niya tuwing weekend ang tumutugtog ng piano sa isang bar sa Ortigas.

Doon daw niya ibinubuhos ang kakulangan niya sa lovelife at sex life.

At sa bawat pindot niya ay ibang satisfaction ang naibibigay sa kanya ng music.

 

Hayden Kho, tatalikuran na ang Twitter?!

BALAK na ngayon ni Hayden Kho na iwan ang Twitter na mistulang sinisisi nito sa kanilang break-up ni Dra. Vicki Belo.

Sinabi ni Hayden Kho na pinagsisihan na niya ang kanyang nalagay sa twitter kamakailan hinggil sa umano’y lalakeng nagpapadala ng love letter kay Belo.

Ayon kay Kho, galit lang siya noon at ikinalulungkot ang mga pangyayari.

Kasabay nito, nanindigan si Kho na walang ‘third party’ na sangkot sa kanilang paghihiwalay ni Dra. Belo.

Itinanggi nito ang relasyon kay Nancy Castiliogne bago ang break-up at inihayag ding hindi siya niloko ni Belo.

Una ng inamin ni Dra. Belo na hindi siya ok at pinipilit mag-move-on kasabay ng pag-aming malabo na ang pakikipag-ayos sa dating kasintahan.

Samantala, isusubasta ang mga damit at alahas na ginamit noon ng namayapang pop icon.

Ayon sa auction house na Julien's Auction, kabilang ang mga items mula sa musical career at movie appearances ni Whitney sa kanilang isusubasta sa Marso.

Gaya na lamang ng mga gamit nito na "black velvet dress with metallic silver ribbon" na may estimated asking price na $1,000-$2,000.

Kasama rin sa auction ang faux pearl drop earrings na ginamit ng aktres sa pelikula nitong “The Bodyguard.”

 

Luis Manzano, gusto nang lumagay sa tahimik??

NAGPAHAYAG na si Luis Manzano ng kahandaan  niya na lumagay na sa tahimik.

Hindi na rin naman daw siya bumabata dahil panahon na rin para mag-settledown at magkaroon ng sariling pamilya.

Naniniwala kasi si Luis na si Jennylyn Mercado na ang babaeng kanyang pakakasalan.

Kailangan daw ay magkaroon na rin ng bagong kabanata ang kanyang buhay at mangyayari lamang yun kapag mayroon na siyang sariling pamilya na matatawag.

Sa harap ng pagiging blooming ni ng career  ni Luis, very thankful din siya dahil panay din ang dating sa  kanya ng mga project.

Young actor, pinauwi ng nanay mula sa U.S.

PINAUWI ni Congresswoman Lani Mercado mula Amerika si Jolo Revilla.

Magpapagamot sana ito sa U.S. ng kanyang migraine pero dahil daw sa hindi magandang experience ay nagpasya si Mommy Lani na dito na lang sa Pilipinas magpagamot.

Mas maganda pa rin daw dito dahil naaasikaso agad.

Hindi kagaya doon na kahit emergency na ang situation ng pasyente, hindi agad naasikaso.

Samantala, speaking of pag-aasikaso, busy sa pag-aasikaso ng kanyang lovelife si Ai-Ai delas Alas.

Blooming na naman ang puso ni Ai-Ai dahil sa bagets nitong papa ngayon na nasa 28 years old lang.

Say sa tsika, distributor ng isang automobile manufacturer, ang boyfriend ngayon ng komedyana.

 

Bobby Brown, masama ang loob

NAGLABAS ng sama ng loob ang ex-husband ni Whitney Houston na si Bobby Brown dahil sa pagtratrato ng mga seguridad sa kanila.

Say pa ng singer na ilang beses sila pinauusog na wag lumapit kay Whitney at pinagbawalan pa ang kanilang unica hija na lumapit sa kanyang mudra.

Nagbigay pa ng matamis na halik sa ataul ni Whitney si Bobby upang sa huli masabi niya sa ex-wife nito na “I Will Always Love You.”

Hanggang ngayon ay sinisisi pa rin ng mga tagahanga ni Houston si Bobby dahil sa pagkawala ng kanilang idolo.

Page 1 of 199

  • «
  •  Start 
  •  Prev 
  •  1 
  •  2 
  •  3 
  •  4 
  •  5 
  •  6 
  •  7 
  •  8 
  •  9 
  •  10 
  •  Next 
  •  End 
  • »